leaderboard innity

Lyrics: Miserable - Join The Club

Here is the lyrics of the song Miserable by Join The Club.

Miserable Lyrics by Join The Club


Biglang gumitna sa patlang ng isipan
Mga salitang ayaw maunawaan
Bawat paglisan sadyang miserableng limutin kita
Hindi rin naman ako magtatagal
Ang hangad ko lamang ay makita ka
Tangka mang lumapit, bakit pa?

Ninais ko sanang sundan ka man lamang
At kahit saglit sayo ay magpaalam
Ngunit kaya bang humarap
Nang mayroon kang kasamang iba?
Siguro nga dapat ka nang kalimutan
Bakas ng kahapon mo ay talikuran
Hanggang ang damdamin maglaho
At kusang muling magmahal

Harapin ang huling sandali ng alaala mo
Ang dating sa akin
Ngayon may iba nang nagmamay-ari

Lasapin ang huling sandali
Lasapin ang huling sandali

Hindi rin naman ako magtatagal
Ang hangad ko lamang ay makita ka
Kahit sandali alam ko na
Na wala na rin ibang magagawa
Tangka mang lumapit, bakit pa?

Hindi rin naman ako magtatagal
Ang hangad ko lamang ay makita ka
Kahit sandali alam ko na
Na wala na rin ibang magagawa
Tangka mang lumapit
Tangka mang lumapit
Tangka mang lumapit, bakit ba?

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...